News Releases

English | Tagalog

“I Love You, Hater" ng JoshLia palabas sa KBO ngayong weekend

October 11, 2018 AT 01:59 PM

Isang nakakakilig na weekend ang hatid ng KBO sa fans ng tambalang JoshLia sa pag-ere nito ng 2018 movie ng dalawa na “I Love You, Hater.”
 
Makikilala ng viewers si Joshua bilang si Joko, isang lalaking gustong iahon ang pamilya sa hirap at si Julia bilang si Zoey, isang babaeng desididong maputanayan ang kanyang sarili sa mundo. Isang oportunidad ang darating sa kanilang buhay ng maghanap ang karakter ni Kris Aquino na si Sasha ng kanyang panibagong personal assistant. Isa lamang sa kanila ang matatanggap.   
 
Para makuha ang nasabing posisyon, nakuha pa ng karakter ni Joshua na magpanggap bilang bakla makuha lang ang loob ng boss.
 
Matupad kaya ang kani-kanilang hangarin o isasantabi nila ito at mahanap ang tunay na kaligayahan sa isa’t isa.
 
Ang “I Love You,Hater” ay ang pang-apat na pelikula ng JoshLia, dalawang taon pa lamang nang sila ay nagsimulang ipinagtambal.
 
Ang naturang pelikula rin ang nagsilbing comeback ng Queen of All Media na si Kris Aquino at ang pangalawang pelikula pa lang ng direktor nitong si Gisele Andres.
 
Kabilang sa mapapanood din ngayong Sabado (Oct.13) at Linggo (Oct. 14) ang “Da One That Ghost Away,” “Woke Up Like This,” “Die Beautiful,” at “10000 Hours.”
 
Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 OCT13<TVplus box ID> sa 2366.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com