News Releases

English | Tagalog

“It's Showtime," tatlong bagong online shows ang handog sa ikasiyam na anibersaryo

October 12, 2018 AT 02:21 PM

“It's Showtime" launches 3 new digital shows on YouTube

In celebration of its ninth anniversary, “It’s Showtime” is launching three new digital shows on YouTube featuring the Hashtags, “Miss Q & A” grand winner Juliana Parizcova Segovia, and “Funny One” grand winner Donna Cariaga.



Bago ang inaaabangang pasiklaban ng “It’s Showtime” family sa Magpasikat Week, handog ng programa ang bagong online tambayan para sa madlang people bilang pagdiriwang ng ikasiyam na anibersaryo nito ng pagbibigay ng saya at good vibes.
 
Magbubukas na ngayong Sabado (Okt 13) ang Showtime Online Universe, kung saan mapapanood ang tatlong bagong online shows na kikiliti sa bawat trip ng madlang people tampok ang Hashtags, “Miss Q and A” grand winner na si Juliana Parizcova Segovia, at “Funny One” grand winner na si Donna Cariaga.
 
Talas ng isip at gallng sa talakan ang dapat na abangan sa witty battles ni Juliana sa “And I Thank You” tuwing Martes, 5 PM. Maki-bonding naman sa iba’t ibang kainan at pasyalan kasama ang buong barkada ng Hashtags sa show nilang “Hashtag Roadtrip” na eere kada Miyerkules ng 5 PM. Mga suliraning pag-ibig naman ang tatalakayin ni Donna sa hatid niyang katatawanan at mga hugot sa “Donna What To Do” tuwing Miyerkules ng 5 PM.
 
Para mapanood ang mga ekslusibong online shows na ito, mag-subscribe lang sa www.youtube.com/ShowtimeOnlineUniverse. Isa lamang ito sa digital initiatives ng ABS-CBN na nagpapatunay sa patuloy nitong pag-transition bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digitalproperties.
 
Samantala, patuloy pa rin ang paghahanda ng buong barkadahan ng noontime show para sa kanilang pasabog na performances sa Magpasikat Week mula Oktubre 15 hanggang 20.
 
Abangan kung ano na naman ang bagong ipapamalas ng teams nina Anne Curtis at Mariel Rodriguez-Padilla kasama sina Jameson, Ryle, Tom, Kid, Sammie, at Kamille; Jugs and Teddy kasama sina Zeus, Vito, Maru, Mica, at Joana; Karylle at Jhong Hilario kasama sina Ronnie, Jimboy, Rayt, Chienna, at Jessica; Vhong Navarro at Ryan Bang kasama sina Nikko, CK, Paulo, Dawn, at Maika; at Vice Ganda at Amy Perez kasama sina McCoy, Luke, Wilbert, Krissha, at Mikee.
 
Ang team ni Vhong ang nagwagi noong nakaraang taon. Kaninong team naman kaya ang mananaig sa pasiklaban ngayong 2018?
 
Huwag palampasin ang good vibes na hatid ng “It’s Showtime,” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.