News Releases

English | Tagalog

ANGELICA AT ZANJOE, MAGKARIBAL SA “MATANGLAWIN”

October 15, 2018 AT 04:12 PM

Angelica and Zanjoe become rivals in “Matanglawin”

Angelica Panganiban and Zanjoe Marudo are co-stars and rivals when it comes to household matters as they compete to win on “Matanglawin” with Kuya Kim Atienza this Sunday (September 9), 9:45 am on ABS-CBN.

Onyok at hurado ng “Kids’ Choice” tampok rin

Mainit ang kumpetisyon nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo bilang magkaribal sa mga usaping pambahay sa “Matanglawin” kasama si Kuya Kim Atienza ngayong Linggo (Setyembre 9), 9:45 am sa ABS-CBN.

Magpapagalingan ang mga bida ng bagong seryeng “Playhouse” sa “Isang Tanong, Isang Sagot” challenge, kung saan susubukin ang kaalaman nila sa mga bagay na makikita sa loob ng bahay. Mananalo kaya si Angelica gamit ang mga hirit at patawa niya? O masusuyo ba siya ni Zanjoe para manalo?

Samantala, sasamahan naman ng mga hurado ng “The Kids’ Choice” na sina Onyok, Xia, Chunsa, Carlo, at Jayden si Kuya Kim para matutunan ang siyensya sa likod ng asukal. Alamin din kung paano gumawa ng mga iskultura gamit ang cotton candy.

Kilalanin naman ang pitong taong gulang na batang naakyat na ang higit 50 na bundok para lang maghatid ng school supplies sa mga bata sa malalayong lugar. Alamin ang kwento ng misyon niya kasama ng organisasyong Trails to Empower Kids (TREK).

Huwag palampasin ang kanilang mga trip sa pinaka-pinarangalang educational program sa bansa ngayong Linggo (Agosto 5), 9:45 am sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood online sa iwantv.com.ph, skyondemand.com.ph. Sundan ang kanilang Facebook at Twitter (@MatanglawinTV). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.