News Releases

English | Tagalog

"Chef" Steph Curry balik sa Manila at "Sports U"

October 02, 2018 AT 02:34 PM

"Chef" Steph Curry returns to Manila and "Sports U"

NBA superstar and Golden State Warriors poster boy Stephen Curry went on a whirlwind tour in Manila a few weeks ago and “Sports U” captured the priceless moments with the three-time NBA champion.

Bumisita kamakailan lang ang NBA star na si Stephen Curry ng Golden State Warriors sa Pilipinas at natutukan ng “Sports U” ang kanyang pagdalaw mula pangunguna sa oath-taking ng UAAP Season 81 sa Mall of Asia Arena at sa ekslusibong panayam sa kanya ni Dyan Castillejo. Panoorin sa Huwebes (Setyembre 27) ang buong ulat tampok din ang iba pang kaganapan sa  opening ng UAAP tulad nang performance ng K-Pop superstar na si Minzy, Kapamilya star na si James Reid, at bandang Spongecola. Abangan din ang pagpunta ni Dyan Castillejo sa training ng Pilipinas Men’s Basketball Team na sumabak sa katatapos na Asian Games at sa nagpapatuloy na FIBA Asia Qualifiers. Alamin ang kanilang mga paghahandang ginagawa para sa mga torneo sa “Sports U” ngayong Huwebes (Setyembre 27) ng 9:30 pm sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood online sa iwantv.comph o skyondemand.com.ph. Sundan angang @SportsUtv sa Facebook at Twitter para sa updates sa programa. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.