News Releases

English | Tagalog

Salpukan nina Andrea at Francine, mainit na sinalubong

October 24, 2018 AT 03:50 PM

Mas maraming Pilipino ang nag-abang at tumutok sa unang pagtatagpo ng mga karakter nina Andrea Brillantes at Francine Diaz sa “Kadenang Ginto,” kaya naman nagtala ang serye ng all-time high national TV rating noong Lunes (Oktubre 22).

Nagkamit nga ang palabas ng national TV rating na 18.2%, o 6.8 na puntos na lamang kumpara sa 11.4% ng “Ika-5 Utos,” ayon sa datos ng Kantar Media.
Nagbigay na ng patikim ang serye sa bangayang paparating sa pagitan nina Marga (Andrea) at Cassie (Francine) matapos ang kanilang pagtutuos sa isang quiz bee, kung saan hinirang na panalo ang huli. 

Pero mas malaking kaguluhan pa ang tiyak na gigimbal sa hapon ngayong sa iisang paaralan na lang mag-aaral ang dalawa. Magiging mitsa rin ito ng mas malalim na hidwaan dahil hindi makakapagyag si Daniela na mapalapit ang anak niya kay Cassie, at pilit na makikipagbangayan kay Romina (Beauty Gonzales) at Robert (Albert Martinez) na lalong gugulo sa kanilang pamilya.

Ano nga kayang unos ang dadalhin ng salpukan nina Cassie at Marga?

Panoorin ang “Kadenang Ginto” tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Para sa updates, pumunta lamang sa abscbnpr.com at i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.