News Releases

English | Tagalog

KathNiel, Ella, at Zanjoe sa KBO Halloween weekend

October 25, 2018 AT 11:10 AM

Isang Halloween treat ang hatid ng KBO ngayong weekend sa pagpapalabas ng mga horror at suspense film nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Ella Cruz, at Zanjoe Marudo.
 
Mapapanood ng KBO viewers sa unang pagkakataon ang "Cry No Fear" kung saan gumanap sina Ella at Donnalyn Bartolome bilang half-sisters na hindi magkasundo. Isang gabi, bigla na lang may sumalakay sa kanilang bahay at may planong patayin sila. Wala silang ibang magagawa kundi magtulungan upang mabuhay.
 
Salubungin ang weekend ksama ang KathNiel sa knailang tanging horror film na "Pagpag," tungkol sa isang grupo ng magkakaibigang nakituloy sa bahay ng isang babaeng pinagluluksa ang asawang namatay. Habang nasa loob ng bahay, isa-isa nilang gagawin ang mga pinagbabawal ayon sa mga pamahiin tungkol sa pagbisita sa patay. Isa-isa ring darating sa kaanila ang kamalasan.  
 
Tampok ang "To Love Some Buddy" star na si Zanjoe Marudo sa "Maria Leonara, Teresa" bilang si Julio, isa sa mga magulang na namatayan ng anak sa isang fieldtrip. Para mapabilis ang pagkalimot sa trahedya, minabuti ng psychiatrist na si Manolo (Cris Villanueva) na bigyan ng mga manika ang mga magulang. Lingid sa kaalamanan ni Julio, hindi ordinaryong manika ang kanyang kinuha. 
 
Kasama rin sa nakakakilabot na KBO line-up ang pelikula ni Sue Ramirez na "The Debutants" at ang "Wang Fam" naman ni Pokwang.
 
Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 OCT27<TVplus box ID> sa 2366.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com