News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, hahanapin ang future stars sa “Star Hunt”

October 30, 2018 AT 05:25 PM

 ABS-CBN mounts grandest auditions for Kapamilyas with “Star Hunt”

ABS-CBN head of TV production Laurenti Dyogi explains what they are looking for in "Star Hunt: The Kapamilya Grand Auditions."

Simula na ang paghahanap ng star na para sa iyo sa “Star Hunt: The Kapamilya Grand Auditions” ngayong darating na Biyernes (Apr 20) at Sabado (Apr 21) sa Araneta Coliseum.
 
Ito ay bukas para sa mga Kapamilya na may boses na palaban at pangmalakasan, todo kung humataw at sumayaw, may talent na kakaiba at world class, may one of a kind personality at nakaka-inspire na story.
 
Mag-audition na para sa pagkakataon na maging bahagi ng Kapamilya shows na maaring magpakinang sa star mo tulad ng “The Voice of the Philippines,” “I Can See Your Voice,” “Tawag ng Tanghalan,” “Dance Kids,” “Pilipinas Got Talent,” “Little Big Shots,” “MMK,” “Pinoy Big Brother” at upcoming dance competition na “World of Dance Philippines.”
 
Pumunta lang sa mismong araw ng auditon at hintaying bumukas ang gate sa ganap na 7 AM o  di kaya ay mag-register na online via starhunt.abs-cbn.com para makapili ng oras ng pagpila.
 
Magaganap ang auditions para sa mga sasali na may edad 3 hanggang 17 sa Biyernes at edad 18 pataas naman sa Sabado. Ang mga mag-audition naman gamit ang kanilang unique talent o kaya talento sa pagkanta at pagsayaw ay maaring bumida  bilang isang solo act o bilang isang grupo.
 
Huwag palalampasin ang pagkakataong ito at hanapin na ang inyong star sa  “Star Hunt: The Kapamilya Grand Auditions” ngayong darating na Biyernes (Apr 20) at Sabado (Apr 21) sa Araneta Coliseum.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE