News Releases

English | Tagalog

JEEPNEY TV, TAMPOK ANG “IKAW LANG ANG IIBIGIN” NG KIMERALD

October 30, 2018 AT 03:36 PM

Jeepney TV marks anniversary with KimErald's "Ikaw Lang Ang Iibigin"

Love and dreams are to be commemorated this season as Jeepney TV celebrates its sixth year as the go-to channel for well-loved ABS-CBN programs with the airing of “Ikaw Lang Ang Iibigin.”

Pangarap at pag-ibig ang mangunguna sa Jeepney TV sa ika-anim nitong anibersaryo ng pagpapalabas ng mga programang minahal mula sa ABS-CBN sa pag-ere ng “Ikaw Lang Ang Iibigin.”
Mula sa “Sana Maulit Muli,” “My Girl,” “Your Song,” “Tayong Dalawa,” at “Kung Tayo’y Magkakalayo,” muling magbabalik tambalan sina Kim Chiu at Gerald Anderson bilang ang ang magkababatang sina Bianca (Kim) at Gabriel (Gerald), na parehong mangangarap na maging tanyag na triathlete. Sa kanilang pagtupad ng pangarap, makakaramdam din ng pag-ibig ang isa’t isa. Ngunit upang maibsan ang sakit ng ama ni Bianca, kailangan nitong iwan si Gabriel sa probinsya.
Muling magtatagpo ang dalawa sa isang triathlon event, na pinangungunahan ni Carlos (Jake Cuenca), na siyang susubukan din makuha ang pagmamahal ni Bianca. Kasama ang dating kasintahan ni Carlos na si Isabelle (Coleen Garcia), lalo pang magugulo ang buhay nina Bianca at Gabriel, at mabubunyag ang mga sikreto mula sa kanilang mga nakaraan.
Makisaya sa ika-anim na anibersaryo ng Jeepney TV kasama ang KimErald sa “Ikaw Lang Ang Iibigin,” Lunes hanggang Biyernes, 2 PM. Mapapanood ang Jeepney TV sa ABS-CBN TVplus channel 11, SKYcable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.