News Releases

English | Tagalog

Jerome, magpaparaya para sa kaligayahan ni Vivoree sa “Wansapanataym”

October 31, 2018 AT 02:58 PM

Tatanggapin na ni Ken (Jerome Ponce) ang kanyang kapalaran na tuluyang maging isang manikin para sa kasiyahan ni Monica (Vivoree Esclito) kasama ang lalaking iniibig nitong si Yoshi (CK Kieron) sa pagtatapos ng “Wansapanataym Presents: ManiKEN ni Monica” ngayong Linggo (Nobyembre 4).

Bigo na nga si Ken na makahanap ng babaeng magbibigay sa kanya ng tunay na pag-ibig, kaya naman nakatakda nang ipataw sa kanya ng tailor master ang sumpa ng pagiging habambuhay na manikin.

Pero dahil sa nabuo nilang pagkakaibigan, hindi hihinto si Monica na makipaglaban at patutunayang karapatdapat nang makawala si Ken mula sa sumpa dahil sa napakalaking pagbabago ng karakter nito. Ngunit hindi pa rin ito magiging sapat sa tailor master at buong puwersang gagamitin ang kapangyarihan upang maisakatuparan ang kanyang mga plano.

Maibalik pa kaya sa normal si Ken?

Panoorin ang “Wansapanataym Presents: ManiKEN ni Monica” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.