News Releases

English | Tagalog

“Gandang UST” nina Janine Tugonon at Tina Marasigan, bibida sa “U-Town”

October 05, 2018 AT 12:16 PM

Beauty queens show their Thomasian pride in “U-Town”

Janine Tugonon and Tina Marasigan join Robi Domingo and Gretchen Ho on “University Town” to share their fondest memories of their college years and the greatest lessons they learned in the campus that helped them get to where they are right now.

Alyssa Valdez, mapapasabak sa poomsae

Maliban sa mga magagaling na doktor, nars, at atleta, kilala rin ang Unibersidad ng Santo Tomas sa mahabang listahan ng mga beauty queen na minsan ay nag-aral doon. Kabilang na dito sina 2012 Miss Universe 1st runner up at fashion model na si Janine Tugonon at ang 2011 Binibining Pilipinas candidate at kasalukuyang ABS-CBN News anchor na si Tina Marasigan.

Makakasama sila nina Robi Domingo at Gretchen Ho ngayong Sabado (Oktubre 6) sa S+A sa “University Town,” (U-Town) kung saan ibabahagi nila ang mga karanasan at mga natutunan nila noong sila ay estudyante ng UST na nagdala sa kanila sa tagumpay.

Samantala, lilibutin rin nina Robi at Gretchen ang UST campus para sa mga sikat nitong puntahan tulad ng Arch of Centuries, kung saan pinadadaan ang mga bagong pasok sa kolehiyo bilang tradisyon. Makakausap din nila ang mga “Campus Lodi” mula sa Butil Program, na binubuo ng mga dating iskolar na ngayon ay nagpapaaral sa mga tulad nilang nangangailangan ng suporta.

Mapapasabak naman sa poomsae si Alyssa Valdez na makakasama ang kampeon ng UAAP sa nasabing sport mula sa UST, na naghari muli sa UAAP bilang  overall UAAP champion noong UAAP Season 80.

Panoorin ang “U-Town” kasama sina Robi Domingo, Gretchen Ho, at Alyssa Valdez sa kanilang pagbisita sa UST ngayong Sabado (Oktubre 6) ng 3 pm sa ABS-CBN S+A at S+A HD. Para sa sports news, sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter o pumunta sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o puntahan ang www.abscbnpr.com.