News Releases

English | Tagalog

Barbie at Chai, ituturo ang aral ng pagpapakumbaba sa “Wansapanataym”

November 10, 2018 AT 12:38 PM

Panibagong kwento ng kabutihan at aral ang muling mapapanood sa pagbida ni Barbie Imperial kasama si Chai Fonacier na magtuturo ng kahalagahan ng pagpapakumbaba sa pag-uumpisa ng “Wansapanataym Presents: Switch Be With You” ngayong Linggo (Nobyembre 11).

Kilalanin si Pia (Barbie), isang mayaman at tinitingalang sales executive na nakukuha ang lahat ng gusto gamit ang angkin niyang ganda. Dahil sa pagiging makasarili, kadalasang nasasaktan niya ang mga tao sa kanyang paligid makamit lang ang kanyang mga mithiin.

Kabaligtaran naman ni Pia si Upeng (Chai), isang carwash girl na kadalasang inirereklamo ang kanyang itsura. Sa kabila ng pagkakaroon ng masayang pamilya, hiling ni Upeng na magustuhan din siya ng lalaking minamahal.

Tadhana ang magtatagpo sa dalawang dalaga dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, magpapalit sila ng katauhan. Sa kanilang pagpapalit anyo, mapupunta kay Upeng ang inaasam niyang ganda, samantalang mawawala naman kay Pia ang pinahahalagahang itsura.

Paano nga kaya mababago ng kanilang pagpapalit ng kanilang mga buhay ang kanilang mga pagkatao?

Kasama rin sa “Wansapanataym Presents: Switch Be With You” sina Cherry Pie Picache, Mark Acueza, Vivieka Ravanes, Zeppi Borromeo, Jay Gonzaga, at Xia Vigor. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni John Lapus.

Panoorin ang mga aral na hatid ng “Wansapanataym” tuwing Linggo sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.