News Releases

English | Tagalog

“SA MGA BITUIN NA LANG IBUBULONG,” ITINANGHAL NA HIMIG HANDOG BEST SONG

November 12, 2018 AT 04:50 PM

“Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong” is this year's Himig Handog best song

The heart-wrenching yet hopeful ballad “Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong,” composed by Kyle Raphael Borbon of Davao, bagged the Himig Handog 2018 Best Song in the freshly concluded ABS-CBN songwriting competition.

Ang may kurot sa puso ngunit tila nagbibigay pag-asang awitin na “Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong,” na isinulat ni Kyle Raphael Borbon ng Davao, ang kinilala bilang Himig Handog 2018 Best Song sa katatapos lamang na ABS-CBN songwriting competition.

 

Ang nasabing love song na inawit ni JM de Guzman at binigyang buhay din ni Jason Dy sa grand finals na naganap sa “ASAP” noong Linggo ang nagsilbing winning entry mula sa higit 5,000 kanta na isinali sa kompetisyon at nakasungkit ng pinaka-inaabangang P1 million cash prize.

 

Ayon kay Kyle, unang beses pa lamang siya sumali sa isang kompetisyon. “Nagsimula akong mag-post ng YouTube covers dalawang taon na ang nakakaraan, at last year, nagsimula akong magsulat ng kanta. Nilagay ko online at may mga nakapanood. Ito ang nagbigay lakas ng loob sa akin para sumali,” kwento ng songwriter na isinulat ang “Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong” base sa personal na karanasan.

 

Ang isinulat naman ni Philip Arvin Jarilla na “Wakasan” at inawit ng Agsunta band ang itinanghal na 2nd Best Song at tumanggap ng P500,000 cash prize.

 

Samantala, ang awiting “Kababata” ni John Michael Edixon ang kinilalang 3rd Best Song. Siya mismo ang umawit nito bilang ang rapper na si Kritiko kasama ang kanyang dream collaboration partner, ang R & B royalty na si Kyla.

 

Iginawad naman ang Himig Handog 4th Best Song sa “Mas Mabuti Pa” nina Mhonver Lopez at Joanna Concepcion na kinanta ng “Tawag Ng Tanghalan” grand champion na si Janine Berdin.   

 

Laking tuwa naman ng US-based nurse na si Sarah Jane Gandia sa pagkakahirang sa kanyang entry na “Tinatapos Ko Na” bilang 5th Best Song. Para sa kanya ay nanalo na siya nang ang kanyang pinangarap na interpreter na si Jona ang napiling umawit ng kanyang kanta.

 

Tatlong Himig Handog special awards naman ang ibinigay sa “Sugarol” ni Jan Sabili na inawit ni Maris Racal. Kinilala ito bilang MOR Choice, TFC’s Global Choice for Favorite Song, at MYX Choice for Best Music Video. Mula sa direksyon ni John Leo Garcia ang winning music video ng “Sugarol.”

 

Tinanggap naman ng “Mas Mabuti Pa” ang Star Music Listeners Choice, habang hinirang na Best Produced Track award ang “Tinatapos Ko Na” na iprinodyus ni Jimmy Antiporda.

 

Kinilala rin si Sam Mangubat, bilang One Music PH Choice for Favorite Interpreter sa pagbibigay niya ng magandang rendition sa “Wala Kang Alam” na isinulat nina Martin John Arellano at Mel Magno.

 

Pwede nang i-download ang “Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong” at iba pang bahagi ng top 10 songs sa online music stores. Panoorin ang Himig Handog 2018 music videos sa ABS-CBN Star Music YouTube channel. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Himig Handog sa Facebook @HimigHandog2018 at sundan ang Star Music sa Facebook, Instagram, at Twitter @starmusicph.

BEST SONG: “Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong”
 
Composer: Kyle Raphael Borbon
Interpreter: JM de Guzman/ Jason Dy
 
 
 
2ND BEST SONG: “Wakasan”
 
Composer: Philip Arvin Jarilla
Interpreter: Agsunta
 
 
 
3RD BEST SONG: “Kababata”
 
Composer: John Michael Edixon
Interpreter: Kyla and Kritiko
 
 
 
4TH BEST SONG: “Mas Mabuti Pa”
 
Composer: Mhonver Lopez and Joanna Concepcion
Interpreter: Janine Berdin
 
 
 
5TH BEST SONG: “Tinatapos Ko Na”
 
Composer: Sarah Jane Gandia
Interpreter: Jona
 
 
 
SPECIAL AWARDS
 
 MOR’s Choice: “Sugarol” composed by Jan Sabili and interpreted by Maris Racal
 
Star Music Listeners Choice: “Mas Mabuti Pa” composed by Mhonver Lopez and Joanna Concepcion and interpreted by Janine Berdin
 
One Music PH’s Choice for Favorite Interpreter: Sam Mangubat (“Wala Kang Alam”)
 
TFC’s Global Choice for Favorite Song: “Sugarol” composed by Jan Sabili and interpreted by Maris Racal
 
Best Produced Track: “Tinatapos Ko Na” produced by Jimmy Antiporda (composed by Sarah Jane Gandia and interpreted by Jona
 
 MYX Choice for Best Music Video: “Sugarol” composed by Jan Sabili and interpreted by Maris Racal
 
 #HimigHandog2018