News Releases

English | Tagalog

Vhong at Erich tampok ngayong Nobyembre sa KBO

November 12, 2018 AT 10:08 AM

Vhong and Erich headline KBO this November

Exciting KBO weekends are coming this November with the television premieres of the movies of Vhong Navarro and Erich Gonzales.

Kapanapanabik ang KBO weekends sa TVplus dahil mga pelikula nina Vhong Navarro at Erich Gonzales ang bibida ngayong Nobyembre.

Puno ng katatawanan ang linggo ng Nobyembre 17 at 18 sa TV premiere ng pelikula nina Vhong Navarro at Lovi Poe pelikula na “Unli-Life.” Isang mahiwagang bote ng alak ang madidiskubre ni Vhong na siyang magbibigay sa kanya ng tsansang baguhin ang tadhana nila ng kanyang dating kasintahan.

Ipapalabas din sa unang pagkakataon sa Nobyembre 24 hanggang 25 ang “We Will Die Tonight” ni Erich Gonzales. Gaganap siya bilang isang stunt woman na mapapasali sa isang gang na nagbebenta ng laman loob ng mga bata. Sa kanyang nalaman, gagawin niya ang lahat upang lisanin ang mapanganib na kalakaran.

Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 (date)<TVplus box ID> sa 2366.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com.