News Releases

English | Tagalog

Libreng blockbuster movie channel, magpapasaya sa SKYdirect subscribers

November 16, 2018 AT 03:55 PM

SKYdirect subs get free blockbuster movie channel

Christmas comes early to SKYdirect prepaid subscribers nationwide as they can now enjoy some of the biggest Pinoy blockbusters for free as SKY offers a movie channel (CH. 43) for subscribers who load prepaid plans 150 and up this November.

Isang maagang pamasko ang handog ng SKY para sa SKYdirect prepaid subscribers nationwide dahil mapapanood na ng libre ang ilan sa bigating Pinoy blockbusters sa isang movie channel (CH. 43) para sa subscribers ng prepaid plans 150 pataas.
 
Simula ngayong buwan, mas titibay pa ang bonding time ng pamilya sa bahay dahil tampok sa libreng movie channel ang ilang sikat na pelikula ni Vice Ganda tulad ng “Beauty and the Bestie,” “Girl, Boy, Bakla, Tomboy,” pati ang “The Amazing Praybeyt Benjamin.”
 
Magpapaiyak din muli ang tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa “One More Chance” at “A Second Chance.”
 
Ang SKYdirect ang direct-to-home (DTH) satellite TV service ng SKY kung saan kayang masagap ang signal ng iba’t ibang channels nationwide kahit sa malalayong lugar na hindi abot ng cable.
 
Para masimulan ang panonood sa bagong blockbuster movie channel ng SKY, mag-load lang ng P150/P250/P450 at i-text ang SKY<amount> <space> <BOX ID> at i-send sa 23667 gamit ang Globe o TM. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa mysky.com.ph/skydirectfreemovies.