News Releases

English | Tagalog

Concert ni Regine, mapapanood nang live sa KBO

November 20, 2018 AT 11:58 AM

Regine concert airs live on KBO

KBO viewers will have an exciting Saturday (November 24, 8PM) to look forward to as they can watch live the first concert of Regine Velasquez-Alcasid, “Regine at the Movies,” as a Kapamilya.

Isang masayang Sabado (Nobyembre 24, 8PM) ang nag-aantay sa KBO viewers sa pagpapalabas ng live concert ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid na “Regine at the Movies.”

Sa naturang one-night-only engagement na ito sa KBO mapapanood ang unang pagsasama ni Regine at ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta sa isang entablado.

Isang dream come true nga na maituturing ito para kay Sharon, dahil nauna na niyang ipinahayag sa kanyang social media account na pangarap niyang makasama ang bagong Kapamilya sa concert.

Bukod sa nasabing concert, mapapanood din sa linggo ng Nobyember 24 hanggang 25 ang TV premiere ng action movie ni Erich Gonzales na “We Will Die Tonight” kung saan gumanap siya bilang isang stunt woman na mapapasali sa isang gang na nagbebenta ng laman loob ng mga bata sa labis na kahirapan.  Kahit gipit sa buhay, pipiliin niyang takasan ang nasadlakang trabaho.

Kasama din sa line-up sa naturang weekend ang “Fangirl, Fanboy,” “Bride for Rent,” “Beauty and the Bestie,” at “Third Eye.”

Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30  NOV24<TVplus box ID> sa 2366. Huwag nang magpahuli at siguraduhing mag-register ng maaga para ready na sa panonood ng KBO.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.