News Releases

English | Tagalog

Janella, Elmo, at Jane tampok sa Halloween weekend ng KBO

November 03, 2018 AT 01:20 PM

Janella,Elmo,and Jane bring the scares this Halloween on KBO

A spine-tingling viewing experience awaits KBO viewers this weekend with the airing of Janella Salvador and Elmo Magalona’s “ Bloody Crayons,” and Jane Oineza’s “Haunted Forest.”

Isang kakila-kilabot na panonood ang aabanagan sa KBO sa handog nitong horror films nina Janella Salvador at Elmo Magalona na “Bloody Crayons” at ni Jane Oineza na “Haunted Forest” ngayong weekend.

Hango mula sa social storytelling platform na Wattpad, iikot ang kwento nito sa mga karakter nina Elmo at Janella kasama ang kanilang iba pang kaklase na mapapadpad sa isang isla para sa isang proyektong pelikula. Sa gitna ng kanilang pagasasagawa nito, isa-isa silang papatayin ng isang tao.

Ang 2017 movie naman na “Haunted Forest” ay tungkol sa dalagang si Nica (Jane) na nagkaroon ng kakaibang nararamdaman magmula nang nagpunta siya at ang kanyang mga kaibigan sa isang kagubatan.

Maari niyo pang mapanood ngayong araw hanggang Linggo (Nobyembre 4) ang  “I Love You to Death” ni Enchong Dee, ang “Elemento” ni Cristine Reyes,” at “Ang Manananggal sa Unit 23B” ni Ryza Cenon.

Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30  NOV1<TVplus box ID> sa 2366.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.