News Releases

English | Tagalog

Alab Pilipinas, sisimulan na ang pagdepensa sa titulo sa ABL sa S+A

December 11, 2018 AT 05:53 PM

Alab Pilipinas opens ABL title defense on ABS-CBN S+A

Defending ASEAN Basketball League (ABL) champion San Miguel-Alab Pilipinas starts its title defense this Sunday (December 9) right at home in the Sta. Rosa Multi-Purpose Complex in Sta. Rosa, Laguna against the CLS Knights of Indonesia. The game will air LIVE on ABS-CBN S+A and S+A HD at 8 pm.

Parks at Balkman, may mga bagong kasangga

Bubuksan na ng San Miguel-Alab Pilipinas ang pagdepensa sa kanilang titulo sa ika-siyam na taon ng ASEAN Basketball League (ABL) kontra sa CLS Knights ng Indonesia sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex, Sta.Rosa, Laguna ngayong Linggo (Disyembre 9). Mapapanood ang laro ng LIVE sa ABS-CBN S+A at S+A HD ng 8 pm.

Inaabangan ang unang sabak sa aksyon bilang parte ng Alab nina Fil-Am cager Caelan Tiongson, na dating naglaro sa Chong Son Kung Fu, at bagong World Import na si PJ Ramos, kasama sina back-to-back ABL Local MVP Bobby Ray Parks Jr. at ang tinanghal na ABL Defensive Player of the Year na si Renaldo Balkman.

Tinitignan bilang kapalit ng dating World Import na si Justin Brownlee ang 6’5 na forward na si Tiongson, na nagtala ng 11.7 na puntos, 8.2 na rebound, at 3.3 na assist kada laro para sa Kung Fu.  Bukod sa kanya handa ring magpakitang-gilas ang ibang bagong manlalaro ng Alab tulad ng mga dating De La Salle Green Archer na sina Thomas Torres at Prince Rivero, Ethan Alvano, at Brandon Rosser, na kapatid ng propesyunal na manlalarong si Matt Ganuelas-Rosser.

Samantala, nais naman ng CLS Knight na matigil ang kanilang dalawang-sunod na pagkatalo sa kanilang laban sa mga bata ni coach Jimmy Alapag.  Inaasahang mangunguna sa Knights sina Maxie Esho, Montay Brandon, at Indonesian-American na si Brandon Jawato, na madami nang pinahanga sa unang sampa niya sa liga sa kanyang mga average na 14.8 na puntos at 4.0 na assist kada laro.

Kasama sa iba pang makakalaban ng Alab ngayong taon ang mga finalist noong nakaraang taon na Mono Vampire, mga datihang Formosa Dreamers, Saigon Heat, Malaysia Dragons, Singapore Slingers, at Hong Kong Eastern, at mga bagong salta sa ABL na Macau Black Bears at Zhuhai Wolf Warriors.

Huwag palampasin ang panimula sa pagdepensa ng Alab ng kanilang titulo ngayong Linggo (Disyembre 9) kontra CLS Knights LIVE sa S+A at S+A HD ng 8 pm.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa online sports hub ng ABS-CBN Sports na sports.abs-cbn.com, at sundan ang social media accounts nila sa Facebook at Twitter (@ABSCBNSports).

For updates, follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, and Instagram or visit www.abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE