News Releases

English | Tagalog

CK, JMKO, Kritiko, Solabros.com, at Vivoree pumirma ng kontrata sa Star Music

December 13, 2018 AT 08:41 PM

CK, JMKO, Kritiko, Solabros.com, and Vivoree ink contracts  with Star Music

Hashtag member Charles “CK” Kieron, R&B crooner JMKO, rapper Kritiko, heavy metal band Solabros.com and Pinoy Big Brother Lucky Season 7 housemate Vivoree Esclito are now part of the Star Music family after they signed exclusive contracts with the ABS-CBN record label.

Handa ng umarangkada para sa 2019 music releases!

Opisyal ng bahagi ng Star Music family sina Hashtag member Charles “CK” Kieron, R&B singer na si JMKO, ang rapper na si Kritiko, ang heavy metal na bandang Solabros.com, at ang Pinoy Big Brother Lucky Season 7 housemate na si Vivoree Esclito pagkatapos nilang pumirma ng mga eksklusisbong kontrata sa nasabing ABS-CBN record label.
 
Tiyak na maraming aabangan ang mga tagahanga ng “KierVi” o ang loveteam nina CK at Vivoree bilang bagong artists ng Star Pop label ng Star Music. Mapapanood si CK sa noontime variety show na “It’s Showtime” habang huling napanood ang actress-singer na si Vivoree sa “Wansapanataym Presents: ManiKen ni Monica.”  
 
Itinanghal namang third best song winner sa “Himig Handog 2018” grand finals ang rapper-songwriter na si Kritiko nitong nakaraang buwan para sa kanta nila ni Kyla na “Kababata.” Isa siya sa tampok na artists sa inaabangang Rapsta label ng Star Music.
 
Ang rock band na Solabros.com ay binubuo ng talentadong magkakapatid na sina Sean, Zachary, at Shane kasama ang kanilang ama na si Jerome Abalos. Si Jerome ang singer ng hit song na “Larawang Kupas.” Sasailalim ang proyekto ng banda sa bagong DNA Records, isa pang bagong sublabel ng Star Music.
 
Si JMKO ang modern R&B at soul alias ng singer-producer na si Miko Manguba. Nagsimula ang kanyang karera sa musika bilang miyembro ng De La Salle Innersoul.
 
Abangan ang mga proyekto ng mga bagong Star Music artists. I-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at i-follow sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o i-visit ang www.abscbnpr.com.