News Releases

English | Tagalog

Coco, Vice, Regine, at Kapamilya love teams pinangunahan ang pagpapasaya sa “Family Is Love: The 2018 Christmas Concert”

December 14, 2018 AT 11:36 AM

Coco, Vice, Regine, and Kapamilya love teams lead ABS-CBN stars at the “Family Is Love: The 2018F Christmas Concert”

The biggest gathering of Kapamilya stars led by Primetime King Coco Martin, Vice Ganda, Asia’s Songbird Regine Velasquez, and Kapamilya love teams, lights up TV screens this weekend with its explosive performances as the “Family is Love: The 2018 Christmas Concert” airs on ABS-CBN this Saturday (December 15) after “MMK,” and this Sunday (December 16) after “PBB Otso.”

Panoorin ngayong Sabado at Linggo sa ABS-CBN

Puno ng must-watch na performances mula sa ABS-CBN stars gaya nina Coco Martin, Vice Ganda, Regine Velasquez, at mga Kapamilya love team ang “Family is Love: The 2018 Christmas Concert ng ABS-CBN,” ang pinakamalaking pagtitipon-tipon ng mga Kapamilya stars na mapapanood ngayong Sabado (Disyembre 15) pagkatapos ng “MMK,” at Linggo (Disyembre 16) pagkatapos ng “PBB Otso.”
 
Tampok sa Christmas Concert ang hindi dapat palampasin na dance showdown ni Coco at Edu Manzano kasama ang “FPJ’s Ang Probinsyano” family na naghadong ng masiglang OPM dance number. Andoon din sina Yen Santos, Sam Milby, at Yam Concepcion ng “Halik” at ang cast ng “The General’s Daughter” sa pangunguna ni Angel Locsin, kasama sina Paulo Avelino at JC de Vera.
 
Nagpakilig naman ang mga popular na Kapamilya love teams sa pangunguna nina Kathryn at Daniel, Liza Soberano at Enrique Gil, at Nadine Lustre at James Reid.
 
Iba’t-ibang song at dance number naman ang handog ng mga popular Kapamilya love teams gaya nina Vivoree Esclito at Charles Kieron, Loisa Andalio at Ronnie Alonte, Kisses Delavin at Donny Pangilinan, Maymay Entrata at Edward Barber, at Julia Barretto at Joshua Garcia.
 
Dapat ding abangan ang dance showcase ng “Los Bastardos” at mga hottest rising young actors and actresses.
 
Nakisaya rin ang cast ng 2018 Metro Manila Film Festival movie na “Fantastica,” sa pangunguna nina Richard Gutierrez at Vice Ganda, na nag-baliktanaw sa mga naging trending topic ng 2018 kasama sina Juliana Parizcova Segovia at Chokoleit.
 
Samantala, mga world class na pagtatanghal naman ang handog ng mga Kapamilya singers sa pangunguna nina Regine Velasquez, Gary V., Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Sarah Geronimo.
 
Huwag palampasin ang “Family Is Love: The 2018 Christmas Concert” ngayong weekend, Sabado (Disyembre 15) pagkatapos ng “MMK” at Linggo (Disyembre 16) pagkatapos ng “PBB Otso,” para mapanood ang mga pasabog na performances ng inyong mga paboritong Kapamilya stars. Sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya ay magpunta sa www.abscbnpr.com para sa mga update.