News Releases

English | Tagalog

Lola Editha ng Laguna, nanalo ng bahay at lupa sa araw ng Pasko

December 27, 2018 AT 04:27 PM

Grandma Editha Virina wins house and lot on Christmas Day

Christmas became brighter and sweeter for 77 year-old Editha Virina, who was chosen as recipient of a brand new house and lot from Lumina Homes in the “12 Days of Christmas” gift-giving tradition of ABS-CBN morning program “Umagang Kay Ganda” (UKG). 

 "12 Days of Christmas” ng “Umagang Kay Ganda," namudmod ng regalo

 
Naging mas maganda at maligaya ang Pasko ng lola na si Editha Virina, na niregaluhan ng bagong bahay at lupa mula sa Lumina Homes sa pagtapos ng “12 Days of Christmas” na tradisyon ng “Umagang Kay Ganda” ng ABS-CBN noong Disyembre 25.
 
Natupad na rin ang pangarap ng 77 anyos na ginang mula sa Laguna na 13 taon pa lang nang umalis ng Visayas mag-isa upang maghanapbuhay.
 
Sa kasalukuyan, nagta-trabaho pa rin siya bilang labandera upang suportahan ang kanyang anak at mga apo.
 
"Matagal ko nang pinangarap na sana magkaroon kami kahit kaunting lupang titirikan ng bahay. Lagi naming iniisip, 'pag kailangan na ng may ari yung lupa kung saan kami ngayon nakatira, paalisin na kami. Ngayon may sarili na kaming lupa,” aniya.
 
Sa isang kubong nakatirik sa lupa ng iba sa Nagcarlan nakatira ngayon si Editha kasama ang mga apo, at kanyang anak na lalaki na halos hindi na nakakakita. Ngayong may sarili na silang tirahan, mas magiging kumportable na ang pamumuhay nila.
 
"Tuwing bagyo na lang na darating mag-aalala sila, lilipat sila sa ibang lugar kasi isang hampas lang sira na ang bahay. Ngayon safe. Hindi na ako mag-aalala para sa kanila na baka ano ang mangyari sa kanila lalo may sarili na silang bahay at lupa," sabi ng apo niyang si Jha-Jha.
 
Isang 22-square meter na Aimee rowhouse unit sa isang komunidad na malapit sa mga sakayan, paaralan, ospital, at ibang mga mataong lugar ang nakuha ni Editha. Gawa ito ng Lumina Homes, “Every Juan's Home,” na may higit na 40 housing projects sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
 
Ang bagong bahay at lupa mula sa Lumina Homes ang ika-12 at pinakabonggang regalo mula sa “UKG” sa kanilang “12 Days of Christmas” special ng 2018. Sinimulan ito 10 taon na ang nakaraan para maghatid ng saya at pagmamahal sa mga nangangailangan.
 
Bukod sa premyong bahay at lupa, namigay rin ang “UKG” ng iba’t ibang handog tulad ng party, gamit sa bahay gaya ng washing machine at microwave oven, damit, Noche Buena package, at pera. Kabilang sa mga mapalad na nabigyan ang ilang mga traffic enforcers ng MMDA, kartero ng Philpost, mga taga- AFP,  mga batang nagtatrabaho, mga guro, tricycle driver, labandera, at iba pa.
 
Panoorin ang “Umagang Kay Ganda” kasama ang hosts na sina Anthony Taberna, Jorge Carino, Amy Perez, Winnie Cordero, Ariel Ureta, at Gretchen Ho simula Lunes hanggang Biyernes, 4:55 am hanggang 8 am sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Panoorin online sa iwant.ph o skyondemand.com.ph. Para sa show updates at online exclusives, i-follow ang “Umagang Kay Ganda” sa Facebook
(@umagangkayganda2) at Twitter (@ukgdos).
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abscbnpr.com.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE