News Releases

English | Tagalog

Arci, Alessandra, JC, Empoy, at Piolo, hahanapin ang tunay na pag-ibig sa “Since I Found You”

April 11, 2018 AT 09:11 PM

Arci, Alessandra, JC, Empoy, and Piolo embark on quest for true love in “Since I Found You”

The lead cast of the newest series "Since I Found You" Arci Munoz, Alessandra De Rossi, JC De Vera, Empoy, and Piolo Pascual give a sneak peek of the Kapamilya romantic drama, which will air on April 16.

Panibagong kwento ng pagmamahal ang lalong magpapainit sa summer dahil mapapanood na ang “Since I Found You,” ang seryeng magpapakita kung paano uusbong ang pagmamahal sa mga taong naghahanap ng pag-ibig simula April 16 sa Primetime Bida.

Bagong timpla ng saya at romansa ang matutunghayan ng mga manonood sa pagsasama-sama sa unang pagkakataon nina Arci Muñoz, Alessandra de Rossi, JC De Vera, Empoy, at Piolo Pascual na siguradong kasasabikan sa dala nilang kilig tuwing gabi.

Tunghayan ang pagbabalik-teleserye ng ultimate heartthrob bilang Nathan, isang negosyanteng nagmamay-ari ng pinakamalaking construction company sa bansa. Bagama’t kinakikiligan dahil sa kanyang kisig at tikas, madalas naman siyang kinakatakutan ng kanyang mga empleyado dahil sa kanyang pagiging strikto at metikuluso.

Makikilala naman niya si Dani (Arci), isang masipag at maaasahang anak, sa pagpasok nito bilang practicumer sa kumpanya ni Nathan. Magiging mahirap ang kanyang pagtatrabaho para sa boss, ngunit makakasama niya si Ginno (JC), ang career-driven na assistant ni Nathan, na aalalay sa kanya upang magawa nang maayos ang kanyang trabaho.

Mula naman sa box-office success ng hit movie na “Kita Kita,” bibida sa kanilang unang teleserye ang love team na Alempoy. Tampok sa serye ang karakter ni Janice (Alessandra), ang secretary naman ni Nathan, na nagtatrabaho upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang anak. Ang driver naman ni Nathan na si James (Empoy) ang pagmumulan nila ng saya dahil sa kanyang pagiging kwela at kakulitan.

Magkakaiba man sila ng buhay at pinagmulan, pag-ibig naman ang magdudugtong sa kanilang mga puso --- mahuhulog ang loob ni Dani para sa boss niyang si Nathan, ngunit sabay naman nito ang unti-unting pag-usbong ng pagtingin ni Ginno para sa dalaga. Bukod naman kay Dani, mapapaibig din ni Nathan ang secretary niyang si Janice, na siya namang sinusuyo ni James.

Saan nga ba hahantong ang pagkakatagpi-tagpi ng kanilang mga puso? Mahanap na nga kaya nila ang pag-ibig na kanilang inaasam?

Kasama rin sa cast ng “Since I Found You” sina Carmi Martin, John Lapus, Vivoree Esclito, Isabel Oli, Cholo Barretto, at Michael de Mesa. 

Ito ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment at direksyon ng box-office director na si Antoinette Jadaone.

Panoorin ang pag-uumpisa ng “Since I Found You” sa Primetime Bida sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).