News Releases

English | Tagalog

Reset na ba talaga ang love story nina Migo at Jia sa “I am Not a Robot?”

April 17, 2018 AT 01:37 PM

Reset or reconciliation for Migo and Jia in “I am Not a Robot” finale?

How will Migo and Jia's love story end in the finale of "I am Not a Robot?"

May chance pa ba ang love story nina Migo at Jia lalo pa’t nalaman na ni MIgo ang pagpapanggap ni Jia bilang isang robot?

Pakatutukan sa last week ng Koreanovelang nagpapa-good vibes sa hapon ninyo, ang “I am Not a Robot.”

Naikubli man ni Jia noong una siyang makita ni Migo bilang normal na tao, lumabas pa rin ang katotohanan ng makita ng binata na suot niya ang kwintas na binigay niya kay Aji 3.

Labis na masasaktan si Migo at muling aatakihin ng kanyang sakit dala ng nasirang tiwala.

Paano susuyuin ni Jia si Migo? Mapatawad pa kaya siya nito? Mas pipiliin bang lumaban ni Jia o magpaparaya na lang para sa ikabubuti ng kalagayan ni Migo?

Huwag palalampasin ang huling linggo ng “I am Not a Robot,” pagkatapos ng “Hanggang Saan” sa first and true home of Asianovelas, ABS-CBN. 

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.