News Releases

English | Tagalog

Joven Olivido at tambalan nina Julius at Rhea, aariba na sa grand finals ng “Pilipinas Got Talent”

April 18, 2018 AT 11:00 AM

Umayon sa gusto ng taong-bayan at ng judges ang naging resulta ng ikaapat na semi-finals noong Linggo (Abril 15) dahil parehong nakapasok ang crowd at judges’ favorites na sina Joven Olvido at Julius and Rhea sa nalalapit na grand finals ng world class talent search na “Pilipinas Got Talent.”

Natupad nga ang pakiusap ni judge Angel Locsin sa viewers nang nakakuha ng 55.71% ng total text at online votes ang parody na ginawa ni Joven Olvido sa acts ng naunang grand finalists.

Bukod sa tsansang maging ika-anim na ‘Pilipinas Got Talent” winner, tuloy pa rin ang pagbuhos ng blessings kay Joven dahil pinangakuan din siya ni judge Vice Ganda ng isang tricycle at panahon para i-mentor siya.

Samantala, pumangalawa naman sa botohan ang world class performer at judges choice na sina Julius at Rhea na nakakuha ng 32.77% ng boto.

Isang masayang linggo rin ito para sa dalawa dahil nauna na rin nilang bigyan ng parangal ang bansa sa kakatapos lamang na World Cup for Dance Sport sa Netherlands kung saan nabingwit nila ang gold medal sa freestyle and combination Latin category.

Sa huling byahe ng semifinals, sino kaya kina Antonio Bathan Jr., Rico the Magician, Jona Cris Bandillio, Angel Fire, Dancing Fire Warriors, at Cebeco II Blue Nights ang bubuo sa listahan ng sampung grand finalists?

Huwag palalampasin ang huling live semi-finals ng “Pilipinas Got Talent” ngayong Sabado (Abril 21 ) at Linggo (Abril 22), 7:30 PM sa ABS-CBN.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.