News Releases

English | Tagalog

Arjo, Yves patutunayan ang pagmamahal kay Sylvia hanggang kamatayan sa "Hanggang Saan"

April 24, 2018 AT 03:01 PM

Haharapin na nina Paco (Arjo Atayde) at Domeng (Yves Flores) ang pinakamalaking hamon ng kanilang buhay ngayong hawak-hawak na ni Jacob (Ariel Rivera) ang kanilang inang si Sonya (Sylvia Sanchez) ngayon ay nasa bingit ng kamatayan sa huling linggo ng “Hanggang Saan.”

Sa pag-aakalang tapos na ang delubyo, muling naghasik ng kasamaan si Jacob matapos niyang ipadukot si Sonya upang makapaghiganti at pahirapan ito. Ngunit bukod sa pagkawala ni Sonya, nagtagumpay din sa pagtakas si Jacob sa kulungan at balak namang puntiryahin ang mga mahal nito sa buhay.

Ngunit sa kabila ng parating na panganib, hindi magpapatalo sina Paco at Domeng dahil sanib-puwersa nilang haharapin si Jacob, kahit kapalit nito ang sarili nilang buhay.

Makakasama rin nila si Anna (Sue Ramirez), na tulad nila ay hangad ding iligtas ang kanyang inang si Jean (Teresa Loyzaga) mula sa kamay ng kanilang kaaway.

Hanggang saan nga kaya ang katapusan ng kanilang laban para sa hustisya?

Huwag palampasin ang huling linggo ng “Hanggang Saan” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE