News Releases

English | Tagalog

Mga panganib sa loob ng tahanan, paghandaan kasama si Jeff Canoy sa “Red Alert”

April 24, 2018 AT 03:40 PM

Ang tahanan ang itinuturing na pinakaligtas na lugar para sa bawat isa. Pero paano kung sa loob mismo ng inyong tahanan mangyari ang disgrasya? Sasagutin iyan ni Jeff Canoy kasama ang mga eksperto ngayong Miyerkules (Abril 25) sa “Red Alert” sa ABS-CBN. Aalamin at tatalakayin ni Jeff ang mga paunang lunas para sa mga karaniwang emergency sa bahay at kung paano ito maiiwasan at tutugunan.  Makakausap din ni Jeff ang ilang mga mag-anak, na kahit anong ingat ay inabutan pa rin ng kapahamakanDahil ligtas ang may alam,  samahan ngayong Huwebes (Abril 25), 9:30 pm sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD si Jeff Canoy, na nanalo kamakailan sa  2018 New York Festivals World’s Best TV & Films para sa dokyumentaryong “‘Di Ka Pasisiil.” Manood online sa iwant.com.ph o skyondemand.com.ph. Para sa updates, sundan ang programa sa www.facebook.com/RedAlertABSCBN o sa Twitter sa @ABSCBNRedAlert. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com