News Releases

English | Tagalog

“Matanglawin Adventure” ni Kuya Kim dadayo sa pinakamalaking zoo sa ‘Pinas

April 27, 2018 AT 04:18 PM

“Matanglawin Adventure” ni Kuya Kim dadayo sa pinakamalaking zoo sa ‘Pinas. Dadayuhin ni Kuya Kim Atienza para makagawa ng mas makabuluhang #MatanglawinMemories ang Cebu Safari and Adventure Park na may pinakamaraming koleksyon ng hayop mula Asia, Africa, at Australia. Matatagpuan dito ang mga giraffe, zebra, macaw, hyena, meerkat, wildebeest, at dagang “capybara,” ngayong Linggo (Abril 29) ng 9:45 am. Samantala, kilalanin ang mga talentadong Cebuano tulad ni Garri “Iggy” Tadlip, na ipapakita ang kanyang underwater photography, at si Raquel Choa, na sikat sa kanyang “tsokolate batirol.” Abangan ang lahat ng ito sa “Matanglawin, ngayong Linggo (Abril 29), ‪9:45 ng umaga sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood online sa iwantv.com.ph at skyondemand.com.ph. Sundan din ang ang kanilang Facebook at Twitter (@MatanglawinTV). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.