News Releases

English | Tagalog

Greatest showdown ng “Pilipinas Got Talent,” gaganapin sa Pampanga

April 27, 2018 AT 05:43 PM

Tunghayan ang pinakamatinding sagupaan ng pinakamahuhusay na talento sa bansa ngayong Sabado (Abril 28) at Linggo (Abril 29) sa inaabangang “Pilipinas Got Talent: The Greatest Showdown” na gaganapin sa Bren Z Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.

Matapos ang limang linggong bakbakan at labanan sa semi-finals round, sampung kalahok ang nanaig at aarangkanda na sa huling yugto ng kompetisyon kung saan may tsansa silang maiuwi ang P2 milyon pesos na jackpot prize at isang bonggang vacation package. Kabilang sa sampung grand finalists ang Nocturnal Dance Company, Orville Tonido, Kristel De Catalina, Xtreme Dancers, Bardilleranz, DWC Aeon Flex, Joven Olvido, Julius and Rhea, Jonacris Bandillo, at Cebeco II Blue Knights.

Sino kaya sa sampu ang tatanghaling pang-amin na “PGT” grand winner?

Para sa greatest showdown, hihiranging grand winner ang makakakuha ng pinakamataas na combined votes mula sa publiko at judges na sina Angel Locsin, Robin Padilla, at Vice Ganda.

Samantalang, abangan din ang pagtungtong nina Gary Valenciano at Ogie Alcasid sa “PGT” stage sa results night.

Huwag palalampasin ang “Pilipinas Got Talent: The Greatest Showdown” ngayong Sabado (Abril 28) at Linggo (Abril 29), 7:30 PM sa ABS-CBN.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.