News Releases

English | Tagalog

“I Can See Your Voice” host na si Luis, naging emosyonal

April 29, 2018 AT 05:47 PM

Hindi lamang saya at aliw ang naibibigay ni Luis Manzano sa hit mystery music game show ng ABS-CBN na “I Can See Your Voice” kung hindinakakapigay din ito ng tulong sa mga taong nangangailangan.

Noong nakaraang Linggo (Abril 22) lang sa kanyang birthday special kasama ang inang si Vilma Santos, nagpasalamat ng personal at via video ang ilan sa mga secret songer na tinulungan niya.

“Happy birthday Kuya Luis. Maraming, maraming salamat po dahil gaano man ka-simple iyong natulong niyo para sa amin at gaano man kalake, iba po iyong kasiyahan na ibinigay niyo sa amin. Hindi iyon maipapagpalit. Hindi po matatawaran ng kahit anumang bagay lalong lalo na sa akin na isang may sakit sa kanser. Bukas nga po may chemo session ako pero hindi ako nagdalawang isap na puntahan ka Kuya Luis kasi itong tao na ito ang nagbigay sa akin ng karugtong ng buhay ko. Gagawin ko siyang priority sa buhay ko,” sabi ni LJ.

“Sobrang thankful po ako kay Sir Luis dahil ang laking tulong na ibinigay niya sa akin. Hindi po ako gumastos para sa paggawa ng thesis namin,” saad ni Steven na binigyan ni Luis ng laptop.

Ipinagmalaki naman ni Love Joy ang kanyang natayong lechon manok business matapos doblehin ni Luis ang naiuwing cash prize nang malamang dalawang buwan na pala itong naputulan ng kuryente.

“Hello, Luis, ito na pala ang napundar ko dahil sa natulong mo sa akin,” ani niya.

Isang maluha-luhang Luis ang natunghayan ng mga manonood mataposmarinig ang nakakaantig na mga mensahe. Hindi rin napigilan ng Star for All Seasons ang mapaiyak sa labis na pagka-proud sa anak.

“Sobra akong proud sa anak ko. Gusto kong magpasalamat sa Diyos na binigyan ako ng isang anak na katulad mo. Sobrang swerte na natuto siyang mamigay ng blessings niya. Hindi siya nagdadalawang isip kaya talagang hanga ako sa kanya doon. Sana hindi ka magbago magbahagi pa at God bless,” madamdaming sinabi ng ina ni Luis.

Todo ang pasasalamat ng premyadong host staff pati sa SING-vestigators sa kanilang hinandang sorpresa lalo pa at tama ang hula ng kanyang ina ng piliin nito ang secret songer na si ‘Ikaw Foreign ang Iibigin Ko’ na isa palang SEE-nger.

Ngayong darating na linggo, swertihin kaya sina megastar Sharon Cuneta at horror princess na si Kim Chiu sa laro?

Huwag palalampasin ang “I Can See Your Voice,” tuwing Sabado at Linggo, 9:30pm sa ABS-CBN.