News Releases

English | Tagalog

Maja, magpapasaya bilang MYX Celebrity VJ ngayong Mayo

May 10, 2018 AT 12:30 PM

Maja fires up MYX as Celebrity VJ this May

MYX surrenders to “Wildflower” star Maja Salvador as she takes over the country’s number one music channel as Celebrity VJ for the month of May.

Darren, bibida bilang “MYX Headliner”

Ngayong tag-init, ang “Wildflower” star na si Maja Salvador ang bibida sa MYX, ang nangungunang music cable channel sa bansa, sa kanyang pagganap bilang Celebrity VJ para sa buwan ng Mayo.

Tapos na sa paghihiganti si Ivy Aguas/Lily Cruz at ngayon maghahatid naman siya ng mga pinakabagong local at international music hits. Magbibigay rin ang bagong Celebrity VJ ng mga nakakaaliw na payo tungkol sa buhay at pag-ibig.

Samantala, kilalanin pa ang ASAP performer na si Darren Espanto sa kanyang pagsalang bilang “MYX Headliner” ngayong buwan. Kasali rin ang 16-year-old singer sa MYX Music Awards 2018 na magaganap na sa Martes (May 15) bilang performer at four-time nominee para sa Artist of the Year, Male Artist of the Year, Collaboration of the Year, at Remake of the Year.

Bibida naman ang indie folk band na Ben&Ben sa ilalim ng “MYX Spotlight” gamit ang breakout songs nila tulad ng “Ride Home,” “Leaves,” at “Kathang Isip.”

Mabibili ang tickets para sa pinaka-inaabangang MYX Music Awards + MYX Squadfest sa lahat ng TicketNet outlets at sa www.ticketnet.com.ph sa halagang P1,275 (VIP), P1,060 (Patron A), P850 (Patron B), P530 (Box), at P160 (Gen Ad).

Abangan si Maja Salvador bilang MYX Celebrity VJ sa “Pinoy MYX” hanggang Mayo 12, “Mellow MYX” simula Mayo 13 hanggang 19, at sa “My MYX” mula Mayo 20 hanggang 26. Panoorin ang MYX sa SKYcable channel 23 at SKYdirect channel 37. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.