News Releases

English | Tagalog

Kapamilya love teams, magbibigay saya sa "Just Love Araw-Araw Fan Meet"

May 11, 2018 AT 08:32 PM

Kapamilya love teams to bring cheers at the "Just Love Araw-Araw Fan Meet"

JoshLia, LoiNie, MarNigo, ang MayWard will celebrate with their followers at the "Just Love Araw-Araw Fan Meet."

Samahan ang Kapamilya love teams na Joshlia, Loinie, Marnigo, at Mayward sa pinaka-inaabangang “Just Love Araw-Araw Fan Meet” na magaganap na sa May 19 at 20 (Sabado at Linggo) sa ABS-CBN Vertis Tent.
 
Isang eksklusibong pagsasama handog ng ABS-CBN Events, tampok sa Fan Meet sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa May 19 (Sabado), 3pm. Mapapanood naman sa gabi, 7pm, ang masayang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber.
 
Sina Maris Racal at Inigo Pascual naman ang magpapasaya sa May 20 (Linggo), 3pm, habang makakasama naman ng JoshLia fans ang kanilang paborito na sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa gabi, 7pm.
 
Magkakaroon ng masasayang games, challenges, at iba pang activities para sa nasabing exciting event pati na rin ang inaabangang performances mula sa mga nasabing maiinit na love teams ngayon.
 
Inaanyayahan din ang mga bisita na sumali sa “Dress To Impress” game sa pamamagitan ng pagsuot ng kanilang bonggang OOTD para sa pagkakataong magkaroon ng groufie shot kasama ang kanilang paboritong tambalan.
 
Maaari ding gumawa ang mga bisita ng kanilang Fan Art alay sa kanilang paborito upang magkaroon ng pagkakataong mapili at maiuwi ang pre-loved item mula sa kanilang mga idolo.
 
Mabibili na ang tickets para sa “Just Love Araw-Araw Fan Meet” sa ktx.abs-cbn.com at sa ABS-CBN Store sa ELJ Communications Center. Maaaring tumawag sa ABS-CBN Events sa numerong 4131222 o 09150369464, at sa KTX sa 4152272. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.