News Releases

English | Tagalog

Jayda, inilunsad ang kauna-unahang single at music video

May 18, 2018 AT 03:55 PM

Jayda releases debut single, music video “Text”

Rising singer Jayda debuted her first single “Text” along with its youthful music video recently under Star Music.

Inililabas na ng rising singer na si Jayda ang kanyang kauna-unahang single na “Text” kamakailan kasama ang makulay na music video nito sa ilalim ng Star Music.

Ito ang unang proyekto ng record label para sa 14-anyos singer bilang isa sa mga pinakabagong miyembro ng Star Music family.

Sa naganap na music video launch ng “Text,” ikinuwento ni Jayda na isinulit niya ang mga kanta noong siya ay 12 taong gulang pa lamang. Anya, “matagal ko nang hinintay ito. Isa siyang ‘dream come true’ para sa akin.”

Gunita naman ng Star Music audio content head at music producer na si Jonathan Manalo ang paghanga niya sa talento ng dalaga. “Kung nakakasulat siya ng ganitong kanta sa edad na 12, sigurado pagdating niya ng 15, 17, mas maganda pa. Sobrang blown away ako sa quality ng songwriting at craftsmanship niya,” kwento niya.

Kabilang ang “Text” sa upcoming EP ni Jayda na may titulong “In My Room.” Tampok dito ang limang orihinal na kanta, lahat isinulat, at co-produced ni Jayda mismo.

Maaari nang ma-download ang first single ni Jayda na “Text” sa Spotify, iTunes, at Amazon, habang ang kaniyang music video ay mapapanood sa official YouTube page ng Star Music. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE