News Releases

English | Tagalog

Pagpasyal ni Floyd Mayweather Jr. sa bansa, sinundan ng “Sports U.”

May 22, 2018 AT 01:21 PM

“Sports U” follows Floyd Mayweather Jr.’s surprise PH visit

Watch Floyd Mayweather Jr. tour the Philippines on "Sports U."

Mula paliparan hanggang Palawan, tinutukan ni Dyan Castillejo ang naging pagbisita sa bansa ng dating hari ng boksing na si Floyd Mayweather Jr., na isa sa pinakamahigpit na karibal ni Sen. Manny Pacquiao sa ring. Samahan si Dyan sa pagkumusta sa retiradong boxing superstar habang pumapasyal sa isa sa pinakamagandang lugar sa Pilipinas, ang El Nido ngayong Huwebes (Mayo 24) sa “Sports U.” Kilalanin din si Aljay Villena, ang 11 taong gulang na table tennis player na tampok sa isang viral video at silipin ang aksyon sa FIVB Beach Volleyball World Tour kung saan hindi nagpahuli ang ating mga pambato sa mga atletang banyaga. Huwag palampasin ang “Sports U” ngayong Huwebes (Mayo 24) ng 9:30 pm sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood online sa iwantv.comph o skyondemand.com.ph. Sundan ang ang @SportsUtv sa Facebook at Twitter para sa updates sa programa. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.