News Releases

English | Tagalog

GirlTrend Mikee Agustin, hahanapin ang yaman ng Quezon sa “Matanglawin.”

May 24, 2018 AT 06:39 PM

GirlTrend Mikee Agustin discovers the wonders of Quezon in “Matanglawin”

GirlTrend Mikee Agustin take on trivia questions from Kim Atienza as the newest “Matanglawin Adventurista” in “Matanglawin” this Sunday (May 27), 9:45 am on ABS-CBN

 Masusubukan ang diskarte ng GirlTrend na si Mikee Agustin sa paghahanap ng natatanging yaman sa Quezon bilang bagong “Matanglawin Adventurista” sa “Matanglawin” ngayong Linggo (Mayo 27), 9:45 am sa ABS-CBN. Alamin kung kakayanin ni Mikee ang mga hamon ng Trivia King na si Kim Atienza habang nakikisaya sa Pahiyas Festival sa Lucban. Samahan ang dating Pinoy Big Brother 737 housemate sa pagtuklas sa benepisyong medikal ng buto ng sunflower sa Angel’s Sunflower Farm at kung paano gumagawa ng elektrisidad sa Villa Escudero. Susubukan din niya ang mga kakaibang putahe ng probinsya tulad ng Kiping, Longganisa Lucban, at Hardinera. Makisaya at makialam sa ganda ng Quezon ngayong Linggo (Mayo 27), 9:45 ng umaga sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood online sa iwantv.com.ph, skyondemand.com.ph. Sundan lamang ang kanilang Facebook at Twitter (@MatanglawinTV). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.