News Releases

English | Tagalog

Maddie at Raiko, forever na bang worlds apart sa “W?”

May 03, 2018 AT 11:16 AM

Sa pagtatapos ng webtoon series, tuluyan na rin bang magwawakas ang love story nina Maddie at Raiko? 

Pakatutukan iyan ngayong linggo sa out-of-this-world finale ng hit primetime Asianovela na “W.”

Napasakamay ni Congressman Han si Raiko matapos gamiting pain si Dion.  Hindi na lingid sa kaalaam niya na may iba pang mundo bukod sa mundo nila at sila ay pawang mga karakter lang sa isang webtoon. Kaya nang malamang si Raiko ang susi para matapos ang lahat ay agad niyang binaril ang binata.

Ngunit hindi naman agad susuko sa laban si Raiko at tumakas ito. Nakipagkita siya kay Maddie at sa kanilang pagtatagpo, bilang naglaho ang dalaga at bumalik sa real world.

Tuluyan na bang mawawala si Raiko? Paano tatanggapin ni Maddie ang naging pagtatapos ng mundo ng webtoon na “W?”

Huwag palalampasin ang “W: The Out-of-this-World Finale” pagkatapos ng “Since I Found You,” sa first and true home of Asianovelas, ABS-CBN. 

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.