News Releases

English | Tagalog

Hashtag Kid Yambao at GirlTrend Krissha Viaje, sanib pwersa sa pagpapainit sa “Matanglawin.”

May 31, 2018 AT 07:40 PM

Hashtag Kid Yambao and GirlTrend Krissha Viaje heat up “Matanglawin”

Hashtag Kid Yambao and GirlTrend Krissha Viaje take on the summer heat as the newest Matanglawin Adventuristas in “Matanglawin” this Sunday (June 3), 9:45 am on ABS-CBN.

Paiinitin pa lalo nina Hashtag Kid Yambao at GirlTrend Krissha Viaje ang summer bilang mga bagong “Matanglawin Adventurista” sa “Matanglawin” ngayong Linggo (Hunyo 3), 9:45 am sa ABS-CBN. Alamin kung kakayanin ni Kid ang harapin ang takot sa matataas na lugar at lumibot sa bulubundukin ng Binangonan, Rizal habang nakasakay sa paraglider. Samantala, lilibutin ni GirlTrend Krissha ang Birdland sa Bolinao, Pangasinan. Susubukan din niyang humuli at tumikim ng “sea urchin” na kinakain ng mga taga-roon. Panoorin ang lahat ng ito ngayong Linggo (Hunyo 3), 9:45 ng umaga sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood online sa iwantv.com.ph, skyondemand.com.ph. Sundan ang kanilang Facebook at Twitter (@MatanglawinTV). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.