News Releases

English | Tagalog

“Local Legends” docu series ng ANC, wagi sa 2018 New York Festivals

May 04, 2018 AT 09:46 PM

Nanalo ang ANC, the ABS-CBN News Channel, ng Silver World Medal sa kategoryang Cinematography sa 2018 New York Festivals World’s Best TV & Films (NYF) para sa unang episode na “Bandurria” ng dokumentaryo na “Local Legends.”

Ikinuwento sa episode ang napakagandang kasaysayan ng paggawa ng gitara ng mga taga-San Antonio, Pampanga. Isang produksyon ng ABS-CBN DocuCentral ang “Local Legends” na may layuning maipamahagi ang mas malalim na pagmamahal sa kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibida sa ating sariling sining sa musika, pagkain, at paghabi.

Ayon sa ABS-CBN Integrated News & Current Affairs head at ANC managing director na si Ging Reyes, umaasa sila na magkakaroon ng panibago at mas malalim na pagkilala sa mga “living legends” sa mga kultural na komunidad ang mga Pilipino sa pamamagitan ng programa.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.