News Releases

English | Tagalog

PVL Season 2 Reinforced Conference, papalo na sa ABS-CBN S+A

May 04, 2018 AT 07:49 PM

PVL Season 2 fires away on ABS-CBN S+A this Sunday

The second season of the Premier Volleyball League (PVL) opens on Sunday (May 6) with a double-header in the women’s division of the Reinforced Conference, which will be aired LIVE from the San Juan Arena on ABS-CBN S+A, S+A HD, with livestreaming on premiervolleyballleague.com.

 Magsisimula na ang aksyon sa Reinforced Conference ng ikalawang season ng Premier Volleyball League (PVL) ngayong Linggo (Mayo 6) at mapapanood ito ng buong sambayanan ng LIVE mula sa San Juan Arena sa ABS-CBN S+A at S+A HD, at sa pamamagitan ng livestreaming sa premiervolleyballleague.com.

Magsasalpukan sa 2 pm ang dating magkatapat sa NCAA na sina Jovielyn Prado at Grethcel Soltones sa labanan ng Tacloban Fighting Warays at PayMaya HighFlyers.

Pagkatapos nila, ibabandera naman ni Alyssa Valdez at ng Creamline Cool Smashers ang mga bagong player na sina Michele Gumabao at Melissa Gohing sa kanilang laro sa 4 pm kontra sa PetroGazz Angels, na pangungunahan naman ng mga dating DLSU Lady Spikers na sina Stephanie Mercado at Wensh Tiu.

Sa men’s division, unang masusubukan ng Philippine Army Troopers ang Vice Co. Blockbusters, na binubuo ng mga manlalaro ng FEU Tamaraws kasama ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda. Mapapanood ang kanilang laban sa livestream ng 10 am.

Nagdaos kamakailan lang ang PVL ng grand fans day sa TriNoma Activity Center upang makapag-bonding ang mga players at fans at maipakita rin ang mga koponanang lalaban sa unang conference ngayong season.

Daragdag ang PetroGazz, PayMaya, Tacloban, at Philippine Navy-Iriga Lady Oragons sa Cool Smashers, BaliPure Water Defenders, at BanKo Perlas Spikers sa pagsubok na masungkit ang koronang napanalunan noon ng Pocari Sweat Lady Warriors, na kilala na ngayon bilang Pocari Sweat – Airforce Lady Warriors.

Kasama naman ng Troopers at Blockbusters sa men’s division ang Cignal HD Spikers, IEM Volley Masters, PLDT Home Ultera Ultra Fast Hitters, at Philippine Air Force Jet Spikers.

Huwag magpahuli. Panoorin ang simula ng PVL Season 2 Reinforced Conference ngayong Linggo (Mayo 6) sa S+A at S+A HD, at via livestreaming sa premiervolleyballleague.com. Para sa news at updates sa torneyo, tumungo sa sports.abs-cbn.com o sundan ang @abscbnsports sa Facebook at Twitter. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang  www.abscbnpr.com.