News Releases

English | Tagalog

Patok ang pagbabalik ng "Your Face Sounds Familiar Kids"

May 08, 2018 AT 02:54 PM

Panalo sa national TV ratings ang pagbabalik ng “Your Face Sounds Famliar Kids” sa telebisyon matapos abangan ng mga manonood sa buong bansa ang cute transformations ng kiddie performers noong Sabado (Mayo 5) at Linggo (Mayo 6).

Nagkamit nga ang palabas ng national TV rating na 31.1% noong Sabado (Mayo 5), kumpara sa katapat nitong “Pepito Manaloto” na nakakuha lamang ng 18.2%, base sa datos ng Kantar Media. Nagpatuloy din ang pamamayagpag nito noong Linggo (Mayo 6), sa pagtala naman nito ng 33.9% kontra sa kalaban nitong “Lip Sync Battle Philippines” (14.6%).

Maliban sa ratings, sinundan din ng mga Pilipino ang transformations ng performers sa online world. Sa YouTube Philippines, naging top trending videos ang performances ni Krystal Brimner bilang si Miley Cyrus at ng TNT Boys naman bilang ang Bee Gees, na sa kasalukuyang ay nakapagtala na ng higit sa isang milyong views.

Lubos ding pinag-usapan sa Twitter ang pilot week ng programa sa pangunguna sa trending topics ng hashtags ng palabas nationwide, at pati na rin mismo ng mga pangalan ng kiddie performers. 

Itinanghal na first week winner ang “Inday Wonder” na si Sheena Belarmino para sa kanyang performance bilang ang popstar royalty na si Sarah Geronimo. 

“12 years old and doing this much dito sa entabladong ito, you really are the next breed of incredible performers,” papuri ng huradong si Gary Valenciano.

“I know how hard it is to move, follow choreo, and give it your all sa pagkanta. I have to tell you, ikaw maganda ang boses mo at magaling ka kumanta,” dagdag ni Sharon Cuneta.

“It had so much impact. I am happy you sang “Tala” because you are a tala, you are a star. I am so excited kung anong ipapakita mo pa sa amin,” sabi naman ni Ogie Alcasid.

Bukod sa cash prize na P50,000, nag-abot din ng tulong si Sheena sa kanyang chosen charity na Guanella Center, Inc., isang orphanage, na pinagkalooban ng P50,000 worth of clothing.

Panoorin ang sorpresang hatid ng cute transformations sa “Your Face Sounds Familiar Kids” tuwing Sabado at Linggo sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com. 
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE