News Releases

English | Tagalog

“Ang Panday” ni Coco, maghahari sa Cinema One ngayong Linggo

June 28, 2018 AT 01:39 PM

Coco’s “Ang Panday” rules over Cinema One this Sunday

Reviving one of the Philippines’ most celebrated superheroes, Coco Martin takes over with “Ang Panday” as it premieres on cable via Cinema One this Sunday (July 1).

Bibigyang buhay ni Coco Martin ang isa sa mga pinakaminahal na superhero ng bansa sa “Ang Panday,” sa unang pagpapalabas nito sa Cinema One ngayong Linggo (Hulyo 1).

Bibida ang Primetime King bilang si Flavio Batungbakal III, ang dugo ng Panday, na hahagilapin sa iba’t ibang mundo ang mahiwagang espada at papatunayan na karapat-dapat siya para dito. Pag-aaralan niya ang paggamit ng espada upang mapigilan ang kasamaan ng imortal na si Lizardo (Jake Cuenca) upang maisalba ang sangkatauhan.

Gamit ang masterpiece ni Carlo J. Caparas, ang nasabing pelikula ang directorial debut ni Coco sa ilalim ng kanyag totoong pangalan na Rodel Nacianceno. Kabilang ito sa biggest blockbusters sa taong 2017.

Unang ipinalabas ang “Ang Panday” noong nakaraang Pasko bilang isa sa walong official entries ng 2017 Metro Manila Film Festival, kung saan natanggap nito ang FPJ Memorial Award for Excellence at Best in Visual Effects award.

Tampok rin sa pelikula sina Awra Briguela, Mariel De Leon, McCoy De Leon, Michael De Mesa, Julio Diaz, Jaime Fabregas, Ejay Falcon, Eddie Garcia, Agot Isidro, Elisse Joson, Mark Lapid, Ronwaldo Martin, Albert Martinez, Shantel Ngujo, Enzo Peloojero, Onyok Pineda, Jeric Raval, Gloria Romero, at Kylie Verzosa.

Tunghayan ang mga maaksyong eksena ni Coco bilang “Ang Panday,” ngayong Linggo (Hulyo 1), 7 PM sa Blockbuster Sunday ng Cinema One. Mapapanood ang nangungunang cable channel sa bansa sa SKYcable Channel 56, SKYdirect Channel 19, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.