News Releases

English | Tagalog

AC Bonifacio, bibida bilang Celebrity VJ ngayong buwan

June 04, 2018 AT 06:36 PM

AC Bonifacio grooves into MYX as Celeb VJ this June

Teen singer-dancer AC Bonifacio is MYX’s ball of energy as she steps in to become the guest celebrity VJ in the country’s number one music channel this June.

Midnasty at Callalily, makiki-chill sa MYX

Magpapaindak ang singer at dancer na si AC Bonifacio sa numero unong music channel ng bansa bilang celebrity VJ ngayong Hunyo.

Hindi na bago sa hosting ang “Your Face Sounds Familiar Kids” season one third placer dahil isa rin siyang aktibong vlogger na may self-titled YouTube channel. Mas nakikila pa si AC ngayon matapos niyang mailabas ang music video ng awit niyang “Sumayaw, Sumaya,” at magperform sa kauna-unahang MYX Squadfest na naganap sa Araneta Coliseum kamakailan lamang.

Magpapabilib naman ang Visayan hip-hop trio na Midnasty gamit ang kanilang mga nakakarelaks at nakaaaliw na mga kanta sa ilalim ng “MYX Spotlight.”

Buong buwan ding makakasama ang pop rock/alternative rock band na Callalily na nagbabalik sa music channel bilang “MYX Headliner.

Abangan si VJ AC bilang MYX Celebrity VJ sa “Pinoy MYX” hanggang Hunyo 9, “Mellow MYX” simula Hunyo 10 hanggang 16, “My MYX” mula Hunyo 17 hanggang 23, at sa “Pop MYX” mula Hunyo 24 hanggang 30. Panoorin ang MYX sa SKYcable channel 23 at SKYdirect channel 37. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE