News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN Publishing, inilabas na ang unang libro mula sa kwentong ibinahagi sa NoInk

June 06, 2018 AT 04:44 PM

ABS-CBN Publishing prints first book based on a user-generated story on NoInk

ABS-CBN Publishing has published its first user-generated story “Lost Souls” –an online novel uploaded on digital platform NoInk written by LilMisSkrengge– into a printed book.

Inilathala na ng ABS-CBN Publishing bilang libro ang kwentong “Lost Souls,” isang online story sa NoInk na base sa mga karakter nina Maymay Entrata at Edward Barber na isinulat ni LilMisSkrengge.

Naging big hit ang “Lost Souls” fanfiction sa mambabasa simula ng ito ay in-upload noong Enero sa NoInk. Ito na nga ang kauna-unahang libro na inilunsad sa ilalim ng NoInk.

Tampok sa kwento nito si Maymay, isang kaluluwa na naghahanap ng paraan upang magpaalam sa kanyang nobyong si Bobby, na kanyang naiwan sa biglaan niyang pagkamatay. Dahil may 24 araw na lamang siya para gawin ito, nagpatulong siya sa isang magaling na psychic na nagngangalang Edward.

Habang nauubos ang oras niya sa mundo sa paghahanap kay Bobby, unti-unti naman siyang napapalapit kay Edward. Matupad kaya niya ang kanyang misyon o manatiling ‘lost soul’ dahil sa bagong kaibigan?

Bukod sa “Lost Souls,” may lima pang MayWard fanfiction si LilMisSkrenggre sa NoInk. Tampok din ang iba pang mga kwento sa multimedia reading site mula sa ABS-CBN Publishing sa pagpapatuloy nitong tumanggap at ipakalap ang mga kwento na isinulat ng fans na inspired ng kanilang mga paboritong Kapamilya stars.

Mabibili na ang “Lost Souls” sa National Bookstore at Power Book branches sa halagang P195. Maaari ding basahin ang online story sa noink.abs-cbn.com. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE