News Releases

English | Tagalog

Mapusok na "Sin Island, tampok sa KBO

July 13, 2018 AT 01:45 PM


Paiinitin nina Xian Lim, Nathalie Hart, at Coleen Garcia ang KBO weekend ng mga Kapamilya dahil ipapalabas na sa unang pagkakataon sa digital TV ang “Sin Island.”
 
Ang perpektong pagsasama nina David (Xian) at Kanika (Coleen) ay masusubukan nang mangaliwa ang babae nang matanggal sa trabaho ng asawa.
 
Makuha pa kaya nilang ayusin ang kanilang pagsasama nang makipaglaro din sa apoy at mahulog si David sa bighani ni Tasha (Nathalie)?  
 
Bukod sa nasabing sexy romance film, mapapanood rin muli ngayong Sabado (July 14) at Linggo (July 15) ang “Unexpectedly Yours,” “4 Sisters and a Wedding,” “Silong,” at “Deadma Walking.”
 
Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT, or ABS-CBNmobile SIM) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 JUL14<TVplus box ID> sa 2366.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.