News Releases

Pacquiao-Matthysse, ipapalabas sa ABS-CBN, S+A

July 13, 2018 AT 07:11 PM

Pacquiao-Matthysse, ipapalabas sa ABS-CBN, S+A

Masasaksihan ng sambayanang Pilipino ang inaabangang tagisan ng kamao ni Manny Pacquiao at Lucas Matthysse ngayong Linggo (Hulyo 15) ng 10 am sa ABS-CBN channel 2 at sa primetime ng 7 pm sa S+A.

Masasaksihan ng sambayanang Pilipino ang inaabangang tagisan ng kamao ni Manny Pacquiao at Lucas Matthysse ngayong Linggo (Hulyo 15) ng 10 am sa ABS-CBN channel 2 at sa primetime ng 7 pm sa S+A.

Binansagang “Fight of Champions,” paglalabanan dito ang WBA welterweight world title ng pambato ng Argentina na si Matthysse (39-4-0), na 36 beses nang nagpatumba ng kalaban sa kanyang career bilang propesyunal na boksingero.

Hindi naman magpapahuli ang eight-division world boxing champion ng Pilipinas na si Pacquiao (59-7-2; 38 KOs), na ayon sa kanyang trainer na si Buboy Fernandez ay magpapakita ng lakas ng isang bagyo sa darating na laban sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Maaaring mapanood ng live ang kanilang laban sa SKY Sports PPV sa halagang P949, tumawag lang sa 418 0000, pumunta sa opisina ng SKY o bisitahin ang www.mysky.com/pacman para mag-subscribe.

Abangan ang muling pagsabak sa bakbakan ni Manny Pacquiao para sa bayan sa “Fight of Champions: Pacquiao versus Matthysse” ngayong Linggo (Hulyo 15) ng 10 am sa ABS-CBN at ABS-CBN HD at sa primetime ng 7 pm sa S+A at S+A HD. Manood online sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph. Para sa balita sa sports, sundan ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o pumunta sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.