News Releases

English | Tagalog

Mga Pilipino, mas tinutukan ang “SONA 2018” special coverage ng ABS-CBN News sa TV at online

July 25, 2018 AT 02:29 PM

More Filipinos watched ABS-CBN News’ “SONA 2018” special coverage on TV and online

More Filipinos chose to watch and follow ABS-CBN News’ special coverage of President Rodrigo Duterte’s third “State of the Nation Address” (SONA) yesterday (July 23). Based on data from Kantar Media, ABS-CBN’s SONA 2018 special coverage on ABS-CBN got a national TV rating of 16.8% from both urban and rural homes, well ahead of the 12% rating that GMA 7 drew for its own live coverage.

Mas maraming Pilipino ang nanood at nakibalita sa special coverage ng ABS-CBN News ng ikatlong “State of the Nation Address” (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte kahapon (Hulyo 23).

Ayon sa datos mula sa Kantar Media, nakakuha ng national TV rating  na 16.8 percent ang SONA 2018 special coverage sa ABS-CBN kasama si Karen Davila sa parehong urban at rural homes, laban sa “SONA 2018 The GMA News Special Coverage” na nagtala lang  ng 12 percent.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

Maging sa internet, libo-libong netizen and tumutok sa Facebook Live broadcast sa ABS-CBN News facebook na nakakuha ng 714,000 views, 26,000 comments, 27,000 reactions, at 6,300 shares.

Mas tinutukan din ng sambayanan ang mga news program ng ABS-CBN sa buong araw, simula sa “Umagang Kay Ganda,” na nakuha ng 6.3 na rating laban sa 4.9 percent ng “Unang Hirit,”“TV Patrol” na may 30.4 percent rating laban sa 19.4 percent ng “24 Oras,” at “Bandila” na nagtala ng 3.1 percent, higit sa 2.2 percent ng “Front Row” sa GMA.

Bilang pinakamalaking news organization sa bansa, patuloy na nangunguna ang ABS-CBN News sa paghahatid ng balita at impormasyon sa mga Pilipino lalo na sa malalaking kaganapan tulad ng SONA sa ABS-CBN, ANC, DZMM 630, DZMM TeleRadyo, news.abs-cbn.com, at mga opisyal na Twitter at Facebook accounts ng mga ito. Maliban sa paghahatid ng mensahe ng Pangulo, layunin din ng ABS-CBN News na ipaliwanag sa madla ang mga isyu sa tulong ng mga beterano nitong anchor, mamamahayag, at mga bisitang eksperto.

Patuloy na makibalita at makialam sa mga isyu ng bansa sa ABS-CBN, ANC, DZMM, at news.abs-cbn.com at patrol.ph. Maaari ring manood sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph. Sundan ang @ABSCBNNews, @ANCalerts, at @DZMMTeleRadyo sa Facebook at Twitter at gamitin ang hashtag na #SONA2018. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa abscbnpr.com.