News Releases

English | Tagalog

Vice, Pia, at Daniel, magpapasiklab sa KBO

July 25, 2018 AT 11:06 AM

Balik-KBO ang 49th Box-Office Entertainment Awards Phenomenal Stars of Philippine Cinema na sina Vice Ganda, Pia Wurtzbach, at Daniel Padilla sa highest grossing film ng taong 2017 na “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” ngayong Sabado (July 28) at Linggo (July 29).
 
Sa pelikulang idinirehe ni Joyce Bernal, kailangang protektahan ni Emy (Vice) ang kanyang nakababatang kapatid na si Chino (Daniel) sa gitna ng pagkawala ng kanyang memorya. Sa pagdating ng mga kampon ng dilm, unti-unting maalala ni Emy ang kanyang tunay na katauhan bilang isang superhero na si Gandarra.
 
Ngunit isang panganib ang nagbabadya sa pamilya ni Emy sa pagpatak ng ika-21 taong kaarawan ni Chino na magpapalabas ng kanyang kapangyarihan at magiging kilala sa pangalang, Rapiddo. Mas gugulo pa ang kanilang mundo sa pagdating ni Kweenie (Pia) sa kanilang buhay.  
 
Bukod sa Star Cinema film, mapapanood rin muli ang “Haunted Forest,” “Fallback,” “Camp Sawi,” at “Mano Po 7:Chinoy.”
 
Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT, or ABS-CBNmobile SIM) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 JUL28<TVplus box ID> sa 2366.
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.