News Releases

English | Tagalog

Barbie Imperial, magbibigay kulay sa MYX bilang Celebrity VJ

July 03, 2018 AT 11:34 AM

Barbie Imperial is MYX’s muse for July

“Araw Gabi” leading lady Barbie Imperial brightens the country’s number one music channel as she takes on the role of Celebrity VJ for the whole month of July.

Magbibigay kulay ang “Araw Gabi” leading lady na si Barbie Imperial sa numero unong music channel ng bansa bilang Celebrity VJ ngayong Hulyo.

Pagkakataon na para mapanood ang Kapamilya actress bilang host sa kanyang paghahatid ng mga pinakabagong musika at pinaka-cool na videos sa music channel. Magbibigay din siya ng iba’t ibang payo tungkol sa buhay at pag-ibig.

Samantala, si Jed Madela naman ang nangunguna sa mga nakabibilib na performances bilang “MYX Headliner.” Nasungkit ng powerhouse singer ang Remake of the Year para sa kantang “I’ll Be There” kasama si Darren Espanto sa naganap na MYX Music Awards kamakailan.

 

Magpapakitang gilas rin ang rising star na si Tala gamit ang kanyang mga chart-topping songs sa pagsalang niya sa ilalim ng “MYX Spotlight.” Inilabas ng 18-anyos singer-songwriter ang kanyang debut single na “nothing personal” noong Oktubre, na siya namang pumatok sa mga local hit charts.

 

Salubungin rin ngayong buwan ang VJ Search winners na sina Kaye Reyes at Samm Alvero sa kanilang pagsalang bilang opisyal na mga miyembro ng MYX Squad. Abangan sina VJ Kaye at VJ Samm sa kanilang panibagong paglalakbay kasama ang MYX.

Samahan si VJ Barbie bilang MYX Celebrity VJ sa “Pop MYX” hanggang Hulyo 7, “Mellow MYX” simula Hulyo 8 hanggang 14, “Pinoy MYX” mula Hulyo 15 hanggang 21, at sa “My MYX” mula Hulyo 22 hanggang 28. Panoorin ang MYX sa SKYcable channel 23 at SKYdirect channel 37. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE