News Releases

English | Tagalog

Joshlia, maglalabanan sa "Matanglawin"

July 04, 2018 AT 08:41 AM

Joshua Garcia and Julia Barretto battle it out on “Matanglawin”

Feel the heat of undeniable chemistry and competition as Joshua Garcia and Julia Barretto, otherwise known as loveteam JoshLia, go from on-screen lovers to rivals as they battle it out in the latest episode of “Matanglawin,” this Sunday (July 8), 9:45 am on ABS-CBN.

Abangan ang hatid na kilig at kumpetisyon nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa “Isang Tanong, Isang Sagot” challenge ng “Matanglawin” ngayong Linggo (Hulyo 8), 9:45 ng umaga sa ABS-CBN.

Sino kaya sa dalawa ang magtatagumpay bilang mas maraming alam tungkol sa iba’t ibang hayop? Magpapaubaya kaya si Joshua para manalo ang kanyang co-star at ka-loveteam sa challenge na hatid ni Kuya Kim Atienza?

Tampok rin ngayong Linggo sa “Matanglawin” ang mga kakaibang alagad ng sining na gumagamit ng mga bagay na madalas ay nagiging basura lamang sa kanilang mga likha. Samahan din si Kuya Kim sa jamming session kasama ang bandang “Elemento” na gumagamit ng instrumenting gawa sa upcycled materials.

Makisaya at matuto ngayong Linggo (Hulyo 8), 9:45 ng umaga sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood online sa iwantv.com.ph, skyondemand.com.ph. Sundan lamang ang kanilang Facebook at Twitter (@MatanglawinTV). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.