News Releases

English | Tagalog

“Haunted Forest,” magdadala ng katatakutan sa Cinema One ngayong Linggo

July 06, 2018 AT 11:17 AM

Cinema One brings chills in “Haunted Forest” this Sunday

Ready the family for a night of thrill in suspense as Cinema One premieres the horror flick “Haunted Forest” starring Jameson Blake, Jane Oineza, Jon Lucas, and Maris Racal this Sunday (July 8).

Samahan sina Jameson, Jane, Jon, at Maris sa isang kwento ng kababalaghan

Ihanda na ang buong pamilya para sa isang malagim na gabi sa Cinema One tampok ang unang pagpapalabas ng horror flick na “Haunted Forest” na pinagbibidahan nina Jameson Blake, Jane Oineza, Jon Lucas, at Maris Racal ngayong Linggo (Hulyo 8).

Iikot ang kwento nito sa isang pulis na si Aris (Raymart Santiago) at ang kanyang anak na si Nica (Jane). Magbabalik sila sa probinsiya upang ma-imbestigahan ang isang pagpatay na maikukumpara sa pagkamatay ng isang kababata ni Aris.

Isang gabi na wala ang ama, mamamasyal si Nica kasama ang pinsan at mga kaibigan sa lugar kung saan makakatagpo nila ang sitsitMakakatuwaan nito si Nica hanggang sa paglaon ay susubukang biktimahin. Mailigtas kaya ni Aris ang kanyang anak mula dito?

Pinuri ni Ace Antipolo ng Movies for Millennials ang pagganap ni Jane sa “Haunted Forest” pagkakatapos ng isa pa niyang magaling na pagganap sa “Bloody Crayons.”

Dagdag pa niya, kakaiba ang naging istilo ng pelikula dahil hindi ito umasa sa panggugulat para manakot ng manonood. Sa halip, dinala nito ang manonood sa isang roller coaster ride sa pamamagitan ng paglagay nito sa mga karakter sa iba’t ibang malagim na sitwasyon.

Unang ipinalabas ang pelikula noong Pasko kabilang sa walong entries ng 2017 Metro Manila Film Festival. Kasama rin dito sina Joey Marquez, Dido de la Paz, at Myrtle Sarrosa.

Abangan ang kakaibang alamat sa pelikulang “Haunted Forest” ngayong Linggo (Hulyo 8) sa bagong oras ng Blockbuster Sunday ng Cinema One, 7 PM. Mapapanood ang Cinema One sa SKYcable Channel 56, SKYdirect Channel 19, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE