News Releases

English | Tagalog

Elisse, ipaglalaban ang pagmamahal sa ina sa "Wansapanataym"

July 06, 2018 AT 11:57 AM

Isang malaking rebelasyon ang babago sa buhay ni Stella (Elisse Joson) dahil madidiskubre na nito ang kasalanang ginawa ng kanyang inang si Lorna (Janice De Belen) sa “Wansapanataym Presents: Ofishially Yours” ngayong Linggo (Hulyo 8).

Maaalis na nga ang sumpa ng pagiging sirena kay Stella ngayong nanumbalik na ang alaala ni Elisa (Desiree Del Valle), na nakatakda nang muling makasama ang asawang si Pinunong Agos (Jeric Raval) para mapagaling ito gamit ang mahiwagang perlas.

Ngunit sabay sa pagbabalik ng kanyang memorya, maaalala rin ni Elisa na ninakaw sa kanya ni Lorna ang perlas noon, na naging dahilan ng lubos nitong pagyaman.

Kaya naman hindi na magpapaawat si Elisa at isisiwalat kay Stella ang kasalanang matagal nang inililihim ng kanyang ina. Ngunit hindi ito agad paniniwalaan ng dalaga, at sa halip ay patutunayang hindi totoo ang ibinibintang sa kanya.

Sa kabila naman ng kaguluhan, mananatili si Jason (Joao Constancia) sa tabi ni Stella at patuloy na ipakikita ang kanyang pagmamahal.

Aminin nga kaya ni Lorna kay Stella ang kanyang kasalanan?

Panoorin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa “Wansapanataym Presents: Ofishially Yours” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.