News Releases

English | Tagalog

CELEB VJ ARCI, MAGDADALA NG SAYA SA MYX NGAYONG AGOSTO

August 01, 2018 AT 03:55 PM

Celebrity VJ Arci rocks MYX this August

The country’s number one music channel, MYX—now available in ABS-CBN TVplus as one of its fresh offerings— is in for a fun, edgy vibe as it welcomes Arci Munoz with her rock star energy as Celebrity VJ for August.

Handa na ang MYX—na napapanood na ngayon sa ABS-CBN TVplus—para isang masaya at malupit na buwan kasama ang rock star na si Arci Munoz bilang Celebrity VJ nito ngayong Agosto.
 
Pangungunahan ng “Since I Found You” star ang music channel bilang tagapagdala ng pinakabagong music videos at mga pinaka-inaabangang kanta. Hindi rin uurong ang aktres na ibahagi ang kanyang kaalaman sa industriya bilang isa ring musikero.
 
Mas maraming Kapamilya viewers na ang mapapasaya ni VJ Arci sa buong buwan, ngayon na napapanood na rin ang MYX sa ABS-CBN TVplus, kasama ang iba pang bagong libreng channels nito, ang Jeepney TV at O-Shopping, at ang mga eksklusibong handog nito na Asianovela Channel at Movie Central.
 
Samantala, makikisaya rin ang OPM hitmaker na si Ogie Alcasid bilang “MYX Headliner.” Ipagdiriwang niya ang kanyang ika-30 anibersaryo sa industriya sa pamamagitan ng isang bonggang show— ang “OA: Ogie Alcasid 30th Anniversary with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra” concert na magaganap sa Agosto 24 (Biyernes) sa Araneta Coliseum.
 
Nagbabalik rin sa music scene ang ngayon ay solo artist na si Unique Salonga sa ilalim ng “MYX Spotlight.” Tiyak ikatutuwa ng fans nito ang pagtanghal ng kanyang mga panibagong kanta bago pa ang kanyang darating na “The Grandma Tour” concert sa Setyembre.
 
Humanda na rin sa pagsakop ng MYX sa iba’t ibang mga kolehiyo sa Metro Manila sa pagbabalik ng “MYX Slam Jam.” Sisimulan ng MYX Squad at kanilang surprise guests ang kasiyahan sa Emilio Aguinaldo College sa Agosto 20 (Lunes).
 
Tunghayan si Arci bilang MYX Celebrity VJ sa “Pop MYX” mula Agosto 5 to 11, sa “Pinoy MYX” mula Agosto 12 hanggang 18, sa “Mellow MYX” mula Agosto 19 hanggang 25, at sa “My MYX” mula Agosto 26 hanggang 31. Mapapanood ang MYX sa ABS-CBN TVplus channel 12, sa SKYcable channel 23, at SKYdirect channel 37. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.